Sa pagdaan ng panahon unti unti kong nakikita ang tunay nilang kulay
Ang kulay ng bulok. Masakit sa mata, nalalasahan sa pagtingin, naaamoy sa malayo, nakakasuka
Sa iyong paglipad, tila napakataas ng iyong mararating
Ngunit habang pinagmamasdan kita, hindi ka Masaya
Sa halip, kalungkutan ang aking nakikita sa likod ng iyong mga ngiti
Galit sa bawat mong tawa
Hindi nakukuha sa ganyan yan
Maaring mabili mo ang ilan pero hindi ang lahat
Ang palasyo mo bagamat malaki at malawak ay inaamag
Walang tao, walang buhay, walang pag ibig
No comments:
Post a Comment